Dito sa atin sa Pilipinas, hindi na bago ang mga bagyo, lindol, baha, at iba pang sakuna. Dahil nasa Pacific Ring of Fire tayo at madalas daanan ng bagyo o tropical cyclones, mahalagang maging proactive sa paghahanda.
Kapag handa sa sakuna, mapoprotektahan natin ang ating mga sarili, pamilya, at peace of mind. Naglista kami dito sa Mang Kosme ng mga dapat natin gawin para handa tayo sa panahon ng sakuna o natural calamities.
Gumawa ng Family Emergency Plan
Mag-set ng meeting points, escape routes, at emergency contacts. I-practice ito regularly para alam ng bawat miyembro ng pamilya ang gagawin sa oras ng sakuna.
Maghanda ng Go-Bag
- Ang go-bag ay dapat may laman na:
- Tubig (at least 3 liters kada tao/miyembro ng pamilya)
- Ready-to-eat food (canned goods, instant noodles, coffee)
- First aid kit
- Flashlight at extra batteries
- Important documents (birth certificates, IDs, etc.)
- Face masks, alcohol, at hygiene items
- Cash
Stay Informed
I-follow ang PAGASA, PHIVOLCS, NDRRMC, at LGU niyo sa social media pages nila para sa updates. Magkaroon ng battery-powered radio para sa updates kung walang kuryente.
I-secure ang Bahay
I-check ang bubong, bintana, at pader. Kung may posibilidad ng baha, maglagay ng sandbags o ilagay sa mas ligtas na lugar ang mga appliances.
Alamin ang Evacuation Routes
Makipag-coordinate sa barangay para malaman ang nearest evacuation centers. Iwasan ang panic sa oras ng emergency.
Isama ang Pets sa Plano
Maghanda rin ng supplies para sa inyong mga furrbabies, food, leash, carrier, tubig. Huwag sila iwan!
Mag-stock ng Essentials
Bukod sa go-bag, magtabi ng extra supplies sa bahay:
- Kandila at emergency solar lamps
- Power banks
- Manual can opener
- Extrang damit at kumot
Mental Preparedness
Disasters can be traumatic. Pag-usapan with your family, especially kids, about what to expect, para hindi mataranta sa panahon ng sakuna.
Linisin ang Paligid
Tanggalin ang mga bara sa kanal, ayusin ang mga loose items sa labas ng bahay, at i-secure ang mga hazardous materials.
Alamin ang Health Risks
Maghanda ng gamot para sa common illnesses (lagnat, ubo, diarrhea). Iwasan ang kontaminadong tubig at pagkain. Kung kinailangang lumusong sa baha, siguraduhing maghugas agad at uminom ng gamot para maiwasan ang leptospirosis.

Hindi natin kontrolado ang kalikasan, pero kaya natin maging handa, na isang hakbang palapit sa pagiging ligtas.
Tandaan, hindi lang para sa sarili ang paghahanda na gagawin at ginagawa, para ito sa buong pamilya at komunidad. Ingat tayong lahat, Kosmenatics!