10 Tips Para Maging Handang-Handa sa Natural Disasters sa Pilipinas
Mang Kosme Editorial Team
Dito sa atin sa Pilipinas, hindi na bago ang mga bagyo, lindol, baha, at iba pang sakuna. Dahil nasa Pacific Ring of Fire tayo at madalas daanan ng bagyo o tropical cyclones, mahalagang maging proactive sa paghahanda.Β
Kapag handa sa sakuna, mapoprotektahan natin ang ating mga sarili, pamilya, at peace of mind. Naglista kami dito sa Mang Kosme ng mga dapat natin gawin para handa Β tayo sa panahon ng sakuna o natural calamities.Β
Gumawa ng Family Emergency PlanΒ
Mag-set ng meeting points, escape routes, at emergency contacts. I-practice ito regularly para alam ng bawat miyembro ng pamilya ang gagawin sa oras ng sakuna.Β
Maghanda ng Go-BagΒ
- Ang go-bag ay dapat may laman na:Β
- Tubig (at least 3 liters kada tao/miyembro ng pamilya)Β
- Ready-to-eat food (canned goods, instant noodles, coffee)Β
- First aid kitΒ
- Flashlight at extra batteriesΒ
- Important documents (birth certificates, IDs, etc.)Β
- Face masks, alcohol, at hygiene itemsΒ
- CashΒ
Stay InformedΒ
I-follow ang PAGASA, PHIVOLCS, NDRRMC, at LGU niyo sa social media pages nila para sa updates. Magkaroon ng battery-powered radio para sa updates kung walang kuryente.Β
I-secure ang BahayΒ
I-check ang bubong, bintana, at pader. Kung may posibilidad ng baha, maglagay ng sandbags o ilagay sa mas ligtas na lugar ang mga appliances.Β
Alamin ang Evacuation RoutesΒ
Makipag-coordinate sa barangay para malaman ang nearest evacuation centers. Iwasan ang panic sa oras ng emergency.Β
Isama ang Pets sa PlanoΒ
Maghanda rin ng supplies para sa inyong mga furrbabies, food, leash, carrier, tubig. Huwag sila iwan!Β
Mag-stock ng EssentialsΒ
Bukod sa go-bag, magtabi ng extra supplies sa bahay:Β
- Kandila at emergency solar lampsΒ
- Power banksΒ
- Manual can openerΒ
- Extrang Β damit at kumotΒ
Mental PreparednessΒ
Disasters can be traumatic. Pag-usapan with your family, especially kids, about what to expect, para hindi mataranta sa panahon ng sakuna.Β
Linisin ang PaligidΒ
Tanggalin ang mga bara sa kanal, ayusin ang mga loose items sa labas ng bahay, at i-secure ang mga hazardous materials.Β
Alamin ang Health RisksΒ
Maghanda ng gamot para sa common illnesses (lagnat, ubo, diarrhea). Iwasan ang kontaminadong tubig at pagkain. Kung kinailangang lumusong sa baha, siguraduhing maghugas agad at uminom ng gamot para maiwasan ang leptospirosis. Β

Hindi natin kontrolado ang kalikasan, pero kaya natin maging handa, na isang hakbang palapit sa pagiging ligtas. Β
Tandaan, hindi lang para sa sarili ang paghahanda na gagawin at ginagawa, para ito sa buong pamilya at komunidad. Ingat tayong lahat, Kosmenatics!Β