https://mangkosme.com/blogs/posts/bagong-taon-bagong-swerte-mga-bagong-gagawin-para-makaakit-ng-good-luck

Bagong Taon, Bagong Swerte: Mga Bagong Gagawin Para Makaakit ng Good Luck 

Mang Kosme Editorial Team

Kilalang-kilala tayong mga Pinoy bilang mapamahiin. Mula sa mga tradisyon sa kasal, binyag, o kahit simpleng paglipat ng mga gamit sa bahay, deeply embedded na ito sa ating kultura at araw-araw na pamumuhay. At ngayong 2026, mas lalo nating pinapahalagahan ang mga ritwal na pinaniniwalaan nating makakaakit ng swerte at magandang kapalaran.  

Declutter Your Space  

Sabi nga nila, “Out with the old, in with the new.” Ang paglilinis at pagtatapon ng mga gamit na hindi na kailangan ay hindi lang pampa-refresh ng bahay, kundi paraan din para magpapasok ng positive energy. Kapag maaliwalas ang iyong paligid, mas magaan at madali ang pagpasok ng swerte. Kaya ito na siguro ang tamang panahon para i-let go ang mga bagay na nagpapasikip lang sa bahay niyo.   

Practice Gratitude Journaling  

journaling-for-the-new-year-onwards-mang-kosme-blog

Instead of focusing on what’s lacking, embrace the New Year with a grateful heart. Ang paglilista ng tatlong bagay na ipinagpapasalamat mo araw-araw ay hindi lang pampa-good vibes, ito ay nakaka-attract ng positive mindset. Tandaan mo, positivity attracts prosperity. Kapag mas marami kang nakikitang maganda sa buhay mo, hindi ba’t mas lalong dumarami ang dahilan para maging maswerte?     

Try Feng Shui Adjustments  

Hindi mawawala ang Feng Shui bilang gabay sa pagsasaayos ng ating kapaligiran. Simple lang ang kailangan: maglagay ng halaman para sa growth o maliit na fountain para sa daloy ng kasaganahan. Kahit maliliit na adjustments lang, malaking tulong ito sa energy flow ng iyong buong kabahayan. Napansin mo ba ang gaan sa pakiramdam kapag nasa tamang pwesto ang iyong mga gamit? Kaya magset-up na para sa mas mabilis na pasok ng swerte.   

Invest in your Best Asset: YOU! 

Swerte isn’t just about the numbers in your bank account, it’s about the energy in your body. Kapag malakas ang katawan, mas marami kang opportunities na kayang sunggaban!  

Investing in healthy habits is the best "insurance" for your future success. Kaya naman ang simpleng exercise, pag-inom ng maraming tubig, ay simpleng investment para sa best version ng katawan mo ngayong 2026! Tandaan mo, Mahalaga Ka! 

Learn Something New  

New Year, new skills! Ang pag-aaral ng bagong hobby o skill ay hindi lang pampalakas ng confidence, kundi susi rin sa mga bagong opportunities. Malay mo, ang simpleng hobby na sisimulan mo ngayon ang maging daan para sa additional o upgraded source of income mo ngayong 2026. Kaya buksan mo na ang mga bagay na gusto mong subukan!

welcoming-the-new-year-with-the-family-mang-kosme-blog

Tunay na malalim ang ating tradisyon sa mga pamahiin, pero sa modernong panahon, mas mainam kung pagsasamahin natin ang tradition at modern practices. Ang tunay na swerte ay dumarating sa taong bukas ang isip, positibo ang pananaw, at handang gumawa ng pagbabago para sa mas masaganang 2026.