https://www.google.com/maps/dir//Mang+Kosme+U-2+Concepcion+St+Muntinlupa+1771+Metro+Manila/@14.4448756,121.046141,16z/data=!4m5!4m4!1m0!1m2!1m1!1s0x3397cf552ea11c69:0x7899d1802fefef2d

Have U Heard? Lumipat na ang Mang Kosme sa Bigger and Better Bodega!

Mang Kosme Editorial Team

Have U Heard? Narito na ang surpresa ng Mang Kosme para sa inyo – ang mas pinalaki at mas pinagandang bodega para sa inyo! Matagal namin itong pinaghandaan at pinagplanuhan para makasigurado na mas kumportable ang home appliance shopping experience ninyo sa aming warehouse. 

Pero ano nga ba ang mga pinagkaiba nito kumpara sa luma naming warehouse? Heto na nga at excited na rin kaming ipaalam sa inyo!

Mas Malamig at Mas Malaking Waiting Area 

Para kumportable kayo habang naghihintay ma-assist ng aming bodegero, siniguro namin na mas malamig na ang waiting area para sa aming customers. Baka nga mapa-jacket ka pa sa lamig! Bukod pa d’yan, puwede mo ring isama ang buong pamilya kung gusto niyong sabay-sabay kayo pipili at mamimili ng appliances para sa inyong tahanan. Mas masaya kapag magkakasama ‘diba? ‘Wag mag-alala dahil sa laki ng waiting area namin, baka kasya pa ang buong barangay niyo!  

Sari-Saring Branded Appliances sa Murang Halaga 

https://mangkosme.com/collections/bodega-sale

Dahil mas malaki na rin ang aming bodega, mas marami na rin kaming stocks ng home appliances tulad ng aircon, ref, washing machines, freezers, at maraming pang iba. Pero s’yempre, mabilis pa rin yan maubos kaya paunahan na lang, Kosmenatics! At ang pinaka-exciting sa lahat, may mga paparating pa kaming gadgets at home appliance package deals mula sa aming reputable partners tulad ng Hyundai at Huawei kaya keep checking back dahil marami pa kaming paparating na surprises. 

Mas Malaking Parking Space 

mang-kosme-new-warehouse-parking-space-u-2-concepcion-street-barangay-buli-muntinlupa-city-philippines

Kung dating, unahan at swertihan sa parking spot, ngayon mas madali kang makakapag-park kung gusto mong magdala ng sasakyan. S’yempre, most improved din ang Mang Kosme dahil d’yan. Maaasahan niyo rin na laging nandyan ang aming magigiting na security guards to assist and keep you safe.

Tulad ng sinabi namin kanina, hangad namin na gawing mas kumportable ang home appliance packages and business appliances deals shopping journey niyo. Lumipat man kami sa mas magandang bodega, makakaasa kayo na affordable at matitibay na branded appliances ang naghihintay para sa inyo.  

Excited ka na bang bumisita sa aming bagong warehouse? Spread the word at isama ang iyong mga mahal sa buhay para makapili kayo ng mga gamit na swak para sa inyong tahanan.  

Kitakits!