https://mangkosme.com/collections/condura

Independence Day 2024: Kwentong Condura

Mang Kosme Editorial Team

Ngayong nalalapit na Araw ng Kalayaan, gusto naming ikwento ang istorya tungkol sa isa sa mga pinakamatatag at delikalidad na home appliances brand na gawang Pinoy at para sa Pinoy na nabibili niyo dito sa Mang Kosme, ang Condura.

Ang Condura o Concepcion Durables Inc., ay kilala hindi lang sa mga aircon kung hindi sa mga appliances na pang-bahay at pang negosyo. It takes pride sa pang malakasang appliances dahil yung iba, nagpapatotoo na kasing edad na nila yung Condura appliance nila pero going strong as in gumagana pa din!

Sa dinadami dami ng mga Pinoy appliances brands sa Pilipinas, Condura ang madalas bukambibig ng mga kababayan natin pagdating sa tibay at kalidad. Sa mga online communities nga tulad ng isa sa Facebook na nagngangalang Home Buddies, pag may nagtanong anong matibay at sulit na appliance ang dapat bilhin, kung hindi Condura ang unang sasabihin, palaging andun si Condura, at madalas pa nga kinukwento ng ating mga kababayan kung paano sila na-amaze hindi lang sa tibay, kung hindi pati na din sa agap ng customer service sa after sales!  

Kaya naman hindi din kami nagtataka kung bakit ang mga Kosmenatics natin ay talagang aliw na aliw at inuubos ang stocks ng ating Condura appliances. Eto ang ilan sa mga mabentang produkto ng Condura sa Mang Kosme:

 

Aircon na Ginawa para sa Philippine Weather 

https://mangkosme.com/collections/condura/products/1001000645condura-1-50hp-remote-6x-series

Isa sa mga top-selling Condura products here at Mang Kosme ay ang air conditioners nila.

Bukod sa nakakamura ang mga Kosmenatics natin dahil nasa Mang Kosme ang mga ito, ay talagang subok na matibay dahil umulan man o umaraw, gagana at hindi ito mag aalburuto! Bakit kamo? Meron lang namang Durakote Coating ang Condura 6x Plus para maiwasan ang kalawang at pagkasira ng 5 major parts nito.

Tignan niyo naman itong Condura 6X Remote Window-Type Air Conditioner, sa halagang 16,400 pesos, may 1.50hp window-type aircon ka na!

 

Abot-kayang Ref na gawang Pinoy 

https://mangkosme.com/collections/condura/products/cuf700mni-upright-freezer-7-0-cu-ft-inverter

Ang Condura ay isa sa mga unang recommendations pagdating sa ref. Dahil subok din ang tibay, sulit din ang puhunan dahil pwede itong magamit mapa-bahay man o pangkakabuhayan! Sa Mang Kosme, meron kaming 7 cubic feet na single door inverter freezer ref, space-saver na, dekalidad pa at less than 15,000 pesos! Check mo na ‘to bago na naman ma-out of stock, Kosmenatic! 

 

Gas-range Cooker na Kayang-kaya ng Budget 

https://mangkosme.com/collections/condura/products/condura-free-standing-cooker-60cm-4z-ceramic-mid

 

Isa din sa mga mabenta at palaging hinahanap sa Mang Kosme bodega ay ang mga lutuan o gas-range cookers ng Condura. Tulad nitong Condura 60 CM, 4Z Ceramic Mid. Free Standing Cooker, ang dami mo nang burners para makapagluto ng iba’t-ibang putahe, sigurado ka pang pangmatagalan at may aalalay sayo kung magkakaron ka ng tanong tungkol sa nasabing appliance dahil sa maalagang after sales at magandang warranty coverage, sa presyong kayang-kaya mo! 

 

Halina’t mas yakapin pa natin ang sariling atin sa pagsuporta at pagtangkilik sa mga produkto at Pinoy brands nang sa gayon ay mas magningas at manatili ang ating tatak hindi lang sa ating bansa kung hindi sa buong mundo. Ika nga nila, #lovelocal #supportlocal

Kung gusto niyo ng mga gawang Pinoy para sa Pinoy na appliances from Condura, pwede kayong bumisita sa aming warehouse ngayong Araw ng Kalayaan, yes, bukas kami! O, pwedeng umorder sa aming website sa www.mangkosme.com.