Babalik at Babalik: Christmas Homecoming
Mang Kosme Editorial Team
Kung may isang bagay na hindi mawawala sa kultura ng Pilipino, ito yung pag-uwi tuwing Pasko. Kahit saan man nakatira: OFW sa Middle East, nurse sa UK, naka duty sa Makati, o estudyante sa Maynila, lahat gagawa ng paraan para makabalik sa probinsya. Pero bakit nga ba ganito ka-importante ang homecoming na ito?Β
Pamilya ang Unang Regalo
Sabi nga sa Inquirer Opinion, ang Pasko ay parang βannual pilgrimage.β Hindi lang ito tungkol sa gifts o parties, kundi sa pagbabalik sa piling ng pamilya. Para sa mga nagtatrabaho sa malayo ng ilang buwan, walang katumbas na makita ang magulang, anak, o kaanak habang nagrerelaks sa familiar na sala, makita si nanay na nakangiti habang nagluluto ng paborito mong handa.Β

Tradisyon na Walang Expiration Date Β
Sa Condura, binanggit ang mga Pinoy tradition tulad ng: Simbang Gabi, Noche Buena, aguinaldo. Kahit gaano na ka-modern ang mundo, hindi nawawala ang mga ito. Para sa OFWs, minsan once in a blue moon lang sila nakakauwi, kaya bawat balik ay parang pagbabalik sa roots.Β
Parang Recharge ButtonΒ
Para sa maraming Pinoy, hindi lang reunion ang pag-uwi tuwing Pasko, kundi emotional reset. Yung stress sa trabaho, lungkot ng pagiging malayo, lahat nawawala pag naamoy mo ulit ang lutong adobo ni nanay o narinig mo ang kapitbahay na nagvi-videoke ng βChristmas in Our Hearts.β Nagiging therapy ang simpleng pag-uwi sa sarili nating tahanan.
Balik-Barkada, Balik-KomunidadΒ
Hindi lang pamilya ang binabalikan, kundi pati barkada at kapitbahay. Yung simpleng inuman sa kanto, kwentuhan hanggang madaling araw, at tawanan na parang walang nagbago. Sa abroad, madalas isolated ang Pinoy, kaya pag-uwi, ramdam na ramdam ang belongingness na hindi mabibili.

Pasko = Pag-asaΒ
Sa gitna ng mga sakuna, inflation, o personal struggles, hindi natin maikakailang simbolo ng Pag-asa ang Pasko sa Pilipinas. Nagsisilbing reminder na kahit gaano kahirap ang buhay, may tahanan kang babalikan at mauuwian, palaging nag-aantay sa iyong homecoming.

Kayaβt tuwing Pasko, makikita natin ang exodus ng mga Pinoy pauwi sa kani-kanilang probinsya. Hindi lang ito simpleng bakasyon, kundi isang cultural heartbeat. Nasa pag-uwi sa kanya kanyang tahanan, sa piling ng pamilya, at komunidad sumesentro palagi ang tunay na diwa ng Paskong Pinoy. Β