4 Laundry Tips Para Iwas Amoy-Kulob ang Damit Ngayong Tag-Ulan
Mang Kosme Editorial Team
Sabi nga sa kanta, “Pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahay” mga Kosmenatics. Bukod sa madalas tayong tambay sa loob ng bahay, eh yung mga labahin din natin ay isang challenge para mapatuyo ng maayos.
Kung bago ka sa paglalaba o naghahanap ka ng mga life hacks para mas mapadali at maayos na malabhan at matuyo ang iyong mga labada, tapusin mo to at baka makatulong sayo ang mga ibibigay naming tips.
Unahin Ang Dapat Mauna
Ibig lang namin sabihin dito, Kosmenatics, kunwari, ikaw o ang mga kasama mo sa bahay ay pumapasok araw-araw, kailangan mong unahing labhan yung mga pamasok o pang alis, lalo pag umuulan na apaka hirap magpatuyo, nang sa ganun ay hindi kayo mabitin sa susuoting pamasok.
Pigain Maige Bago Isampay
Dahil nga kapag tag-ulan ay pahirapan ang pagpapatuyo ng damit, kailangan nating maging extra at talagang pigaing maige ng mga damit bago ito isampay. Ibuhos mo na lahat ng galit mo dyan! Char lang!
Kung magagamitan din ng dryer mas mainam, pero kung natural na pagpapatuyo ang nakasanayan, siguraduhing pigang piga maige ang tubig sa damit nang sa gayon ay makatulong sa pagpapabilis ng pagpapatuyo ng mga isasampay.
FabCon is the Key
Ngayon panahon ng tag-ulan, kapag ang labada ay pinatuyo sa saradong lugar, hindi natin maiiwasan na magkaron ito ng kulob na amoy. Kaya naman mas mainam na maglagay ng fabric conditioner sa tubig na gagamitin bago banlawan ang mga damit.
Malaking tulong ito upang mapanatiling mabango ang mga sinampay na damit kahit sa kulob na lugar ito patuyuin.
Tamang Spacing
Dahil mas mahirap magpatuyo ng mga nilabhan at sinampay na damit kapag umuulan dahil hindi natin ito maisasampay sa labas para maarawan, mas matagal itong matuyo. Kaya naman mas mainam na lagyan ng karampatang space kada sinampay para mapasukan at makapag circulate ang hangin ng mas maayos, para makatulong sa mas mabilis na pagpapatuyo ng mga sinampay.
Bonus:
Kung may budget, maari niyong itry bumili ng dehumidifier dahil may dryer function din ito, hindi lang para mawala ang moisture sa loob ng bahay kung hindi makakatulong din ito magpatuyo ng mga nilabhan. Meron kami sa dito sa Mang Kosme.
Nawa’y makatulong ang mga tips namin para mas mapadali at mas maging maayos ang paglalaba niyo ngayong tag-ulan.
Kung kailangan niyo ng washing machine o nag-iiisip kayo mag upgrade, check niyo dito sa aming website www.mangkosme.com ilang click lang, may washing machine na kayo, nagdedeliver na kami sa Bulacan at Pampanga!
Pwede din naman kayong pumunta sa aming warehouse sa UB 5 Concepcion Street, KM 20 East Service Road, South Super Highway, Muntinlupa City, o isearch sa Google Map or Waze: Mang Kosme, bukas kami Lunes hanggang Sabado.
Stay safe and dry ngayong tag-ulan, Kosmenatics! At kitakits!