lady-staying-hydrated-during-summer-mang-kosme-blog

Gawing Mas Kool Ang Bawat Moment Ngayong Summer (TIPS)

Mang Kosme Editorial Team

Recently, umaabot sa 45-47 degrees ang heat index sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas. Kaakibat nito ang maraming health hazards kung hindi maagapan.Β 

Kahit hindi na natin mapigilan ang init ng summer sunshine, may mga simpleng paraan para mabawasan ang epekto nito lalo na kapag tayo ay nasa labas. Narito ang ilang tips na pwedeng gawin para maging komportable pa rin kahit sobrang init:Β 

Hydration is Key

Laging magdala ng tubig sa bag. Uminom ng tubig bawat oras para iwas dehydration. Kung may access ka sa cold drinks, mas mabuti! Β 

Wear Light and Loose Clothing

Gumamit ng breathable na tela tulad ng cotton o linen. Mas magaan at malamig sa pakiramdam kapag hindi masyadong makapit ang suot na damit. Iwasan ang dark colors dahil mas naka-absorb ito ng init.Β 

Don’t Forget Sun Protection

Magdala ng payong o sumbrero bilang panangga sa araw. Mag-apply ng sunscreen na may mataas na SPF para protektado ang balat mo laban sa harmful UV rays. Β 

BONUS TIP: Makakatulong din ang pagtigil sa mga shaded areas lalo na yung may puno.Β 

Timing is Everything

Kung may mga lakad, subukan itong gawin ng early morning or late afternoon, upang maka iwas Β sa sobrang init ng tanghaling tapat. Madalas na mataas ang UV index between 10 AM hanggang 4 PM.Β 

a-young-woman-cooling-herself-mang-kosme-blog

Cool Down with Accessories

Magdala ng cooling towel or portable fan kung kaya. Ang mga ito ay makakapagbigay ng instant relief kapag sobrang init na talaga.Β 

Know Your Limits

Kapag nakakaramdam ka ng pagod o sobrang init, huwag pilitin. Huminto, magpahinga saglit, at unahin ang kalusugan.Β 

Hindi naman kailangang maging stressful ang summer season. Gamitin ang mga tips na ito para mas maging enjoyable at komportable ang paglabas-labas mo kahit summer! Β 

Kung nakatulong sayo, ishare mo din sa friends at loved ones mo para sila din maging Mas Kool ngayong Summer.Β