Ikaw Naman ang Bida, Ma!
Mang Kosme Editorial Team
In other words, lagi siyang nandyan sa tabi natin. Aminin mo man o hindi, may mga araw na "we take them for granted," o 'di kaya masyado tayong busy sa pagtanda na nakakalimutan na natin makipagkwentuhan sa kanila. Minsan pa nga, tahimik lang si Nanay pero ang totoo, miss na niya yung mga panahon na lagi mo s'yang hinahanap.
Simula ngayong Mother's Day, si Nanay naman ang gawin nating priority. Kung madalas kang nonchalant na anak, oras na para maging OA ka naman sa pagpapakita ng pagmamahal kay Nanay. Paano? We've got some Mother's Day Gift Ideas that express more than words ever could!
Para kay Nanay na Mahilig Magluto
Kahit na ano pang samgyupsal o restaurant ang makainan mo, walang tatalo sa mga luto ni Nanay lalo na dahil pagmamahal ang secret ingredient nila. Kaya naman, para kay Nanay na happiness ang magluto sa kitchen, bigyan mo siya ng cooking companion tulad ng Midea Silver Gas Range. Bukod sa mapapabilis ang pagluluto niya with its four burners, meron din itong Flame Failure Device kung saan automatic na mapuputol ang flow ng gas sa burner kung sakaling biglang mamatay ang flame sa burner. S’yempre, dapat priority rin ang safety ni Nanay!
Para kay Nanay na Teleserye Queen
Libangan ba ni Nanay ang manood ng paboritong n’yang teleserye? Sakto! Para mas feel na feel n’ya ang bawat eksena, regaluhan mo siya ng TV na malinaw at Dolby-powered ang audio. Yung feeling na para bang nasa sinehan siya. Bukod pa d’yan, pwede rin s’yang mag-Netflix and Chill dahil Smart TV na rin ang Hyundai UHD 55” TV. Pero s’yempre, importante rin ang presence mo kaya siguraduhin mo na may time ka para samahan siya sa panonood. Iba pa rin yung may kasama s’yang iiyak, tatawa, o magugulat!Para kay Nanay na Master of Discipline and Orderliness
Mabusisi man si Nanay pagdating sa pag-aayos ng gamit, kapalit naman nito ay laging malinis at kumportable ang bahay. Kaya ‘wag mo nang pasakitin ang ulo niya at siguraduhin mo na hindi kalat-kalat ang iyong mga gamit. Ganun din pagdating sa mga pagkain. Bigyan mo siya ng isang malaking surpresa tulad ng Condura Ultima No Frost Side by Side Inverter Ref! Dahil sa multiple shelves at spacious storage capacity nito, siguradong masasatisfy si Nanay sa magandang ayos ng ref nyo. Mapa-leftover o fresh-from-the-grocery goods man ‘yan, kasyang-kasya pati mga paboritong snacks at desserts ni Nanay. Higit sa lahat, energy efficient pa kaya ‘di magugulat si Nanay sa bill ng kuryente.
At heto nga ang mga regalo na magpaparamdam kay Nanay na siya ang totoong bida! Iparamdam natin sa kanya na kahit gaano pa tayo ka-busy sa buhay, laging tayong may oras para makipagkwentuhan o makipag-bonding sa kanila. Punta na sa Mang Kosme warehouse o mag-check out sa www.mangkosme.com.
Munting Paalala: Mabilis kami maubusan ng stocks kaya better to act fast para secured na ang gift mo kay Nanay!