mang-kosme-article-appliances-na-bawal-gamitan-ng-extension-cord

No-No to Overload: Mga Appliances na Bawal Gamitan ng Extension Cord

Mang Kosme Editorial Team

Gaano man karami ang saksakan mo sa bahay, may times talaga na parang kulang pa rin ito sa dami ng electronics mo o sobrang layo ng outlet kung saan mo ito kailangan. Kaya naman hindi maipagkakaila na extension cord is life dahil pinapadali nito ang buhay natin – o teka, parang double meaning 'to ah. Biro lang, Kosmenatics!

Bilang si Mang Kosme ang pinagkakatiwalaan n'yo pagdating sa mura at matibay na appliances, nandito rin kami para bigyan kayo ng safety tips. Basta alam mo ang mga bagay na ito, ligtas ka from any potential fire o electrical accidents na dulot ng maling paggamit ng extension cord.

Wala nang paliguy-ligoy pa, heto ang listahan ng mga home appliances na hindi mo dapat i-plug sa extension cord:

 

#1 Washing Machine

 

https://mangkosme.com/collections/bodega-sale-aircon

Laging tandaan: Kapag mas malaki ang appliance, mas malaki din ang kailangan na electrical load. Ibig sabihin, hindi ito safe i-plug sa mga extension cord dahil kulang ang supply ng kuryente para paganahin ang iyong washing machine. Maaari rin itong maging sanhi ng sunog o ‘di kaya pagkasira ng iyong appliance. Kadalasan, hindi rin covered ng warranty ang mga ganitong insidente kaya siguraduhin na i-plug ang washer mo sa isang wall outlet.

 

#2 Air Conditioner

 

https://mangkosme.com/collections/bodega-sale-aircon

Hindi mawawala sa listahan ang paboritong appliance ng lahat kapag tag-init – ang air conditioner. Mapa-window or split-type aircon man ‘yan, kailangan pa rin nito ng malaking supply ng power. Kapag sinaksak ito sa extension cord, pwedeng mag-overheat o maging sanhi rin ng sunog. Para may peace of mind ka, siguraduhin na kumonsulta sa isang certified na electrician para safe at angkop sa requirements ng bahay mo ang iyong outlet.

 

#3 Microwave Oven

 

https://mangkosme.com/collections/bodega-sale-small-appliances/Type_Microwave-Oven
Kung ikukumpara sa ibang appliances, maliit lang naman tingnan ang microwave oven. Pero bakit nga ba hindi rin ito pwede gamitan ng extension cord? Unang-una, tingnan n’yo muna kung ano ang voltage at watts ng unit niyo. Kadalasan, nangangailangan pa rin ito ng wall outlet maliban na lang kung pipili ka ng extension cord na mas makapal at may higher gauge model.

#4 Refrigerator

 

https://mangkosme.com/collections/bodega-sale-refrigerator

Sabi nga nila, refrigerator ang pinaka-hardworking na appliance sa bahay natin. Kung iisipin mo nga naman, 24/7 itong tumatakbo sa isang taon at papatayin lamang kapag kailangan linisin. Kaya naman mahalaga na meron itong stable na supply ng kuryente directly from a wall outlet para walang aberya ang performance nito. Kapag kasi nagkaroon ng biglaang pagkawala ng kuryente, maaaring magkaroon ng permanent damage ang ref mo.

 

#5 Electric Stoves

 

https://mangkosme.com/collections/bodega-sale-gas-range-and-hood

Kung isa ka ring paranoid pagdating sa safety, mas mabuti nang iwasan magsaksak ng kahit na anong kitchen appliance sa extension cord. Katulad ng mga naunang nabanggit, ang electric stove ay nangangailangan rin ng mataas na supply ng power dahil ito ay isang high-heating appliance. Para makaiwas sa kahit na anumang sunog o electrical hazard, ang safest option ay wall socket pa rin.

 

Pagdating sa kaligtasan ng inyong pamilya, mas mabuti na yung segurista. Dito sa Mang Kosme, priority namin ang utmost safety ninyo kaya patuloy lang kaming magbibigay ng marami pang tips for your home sa mga susunod na blogs. Tutok lang, Kosmenatics! Hit that subscribe button para hindi ka mahuli sa latest ganap!