Kami naman, 'Tay!

Kami naman, 'Tay!

Mang Kosme Editorial Team

Parating na naman ang araw kung saan mas maipapakita at maipaparamdam mo kay Tatay/Papa/Daddy/Papang or Erpats kung gaano mo siya kamahal.

Dati rati, siya ang taga ayos ng mga naglolokong appliances para mas mapakinabangan pa ang mga ito, katulong mong gumawa ng project sa school na kung minsan nananalo pa sa mga awarding, at kung anu-ano pa. Ngayong kaya mo na, sabihin mo sakanya, “Kami naman, ‘Tay!”, with these father’s day gift ideas na siguradong magugustuhan niya.

 

New Washing Machine para Wala nang Kumpuniin si Tatay 

https://mangkosme.com/collections/bodegasale-washing-machines/products/midea-mf200-10kg-7kg-front-load-combo-inverter-washing-machine

Tanda mo pa ba kapag nagloloko yung washing machine niyo? Imbes na dalhin niyo sa repair shop, si Tatay muna ang nagiging unang repairman para makatipid. Mas pinipili kasi niya na ilaan ang budget para sa pag-aaral mo at pang araw-araw niyong budget. Ngayon, pwede mo nang palitan ang washing machine niyo sa bahay nitong Midea 7KG Front Load Combo Automatic Inverter Washer.

Mapapadali na ang paglalaba dahil ang kailangan lang gawin ay isalang ang mga damit, at hindi lang basta paglalaba ang ginagawa ng washing machine na ito, in-sterilize din nito ang mga damit sa tulong ng Steam Care and Healthguard™ feature. Ang pinaka the best pa, dahil 10 taon ang motor warranty nito, confident kang hindi magkumpuni at magkalikot si Tatay dahil subok ang tibay ng appliance na ito. 

 

Aircon para sa Mas Maginhawang Bonding sa Sala with Tatay

https://mangkosme.com/collections/carrier/products/carrier-1-50-hp-alpha-split-type-inverter-air-conditioner

Noon, dahil sa hirap ang buhay, yung iba sa atin, isa lang ang aircon sa bahay na kadalasan asa kwarto ng mga magulang natin, tapos may oras lang din ang bukas, yung iba, wala talaga. Kaya palaging excited mag mall, dahil bukod sa may kamahalan din ang pagbili ng aircon, ay siguradong tataas ang kuryente.

Pero ngayon, na medyo nakakahinga na, pwede mo nang lagyan ng Carrier Alpha 1.5hp Split-Type Inverter Aircon ang sala niyo. Kahit wantusawa pang nakabukas yan, hindi ka mamumulubi sa MERALCO bill, at higit sa lahat, mas presko at maginhawa na ang bonding niyo with Tatay!  

 

Smokeless Griller para hindi na Magpapaypay si Tatay pag Mag-iihaw 

https://mangkosme.com/collections/bodegasale-small-appliances/products/condura-smokeless-griller-class-b1

Hilig din ba ng Tatay mong mag-ihaw? Bakit hindi mo siya bilhan ng Condura Smokeless Griller? Para mas kumportable ang kanyang pagluluto.

Bukod sa hindi na siya magpapabaga at bibili ng uling, pwede itong dalhin kahit saan at pwedeng gamitin sa loob ng bahay dahil wala itong usok. Promise, hindi kayo masyadong maglalapot!

 

Ngayong araw ng mga Tatay, nawa’y ang mga simple pero Tatay-approved gift ideas ng Mang Kosme ay makatulong para maipakita ninyo kung gaano niyo sila kamahal. At sa mga lodi naming Tatay, isang mainit na pagbati ng Happy Father’s Day!

Saludo ang Mang Kosme sa inyo!