professional-aircon-staff-checking-aircon-pipe-mang-kosme

Ano'ng pinagkaiba ng DIY at Professional AC Cleaning?

Mang Kosme Editorial Team

Mahilig ka bang mag-DIY ng mga bagay bagay? Kung oo ang sagot mo, siguradong tambay ka rin sa Youtube para manood ng mga “How-To Videos.” Kung tutuusin, may mga bagay naman talaga na mas practical ang "Do it Yourself"  pero s’yempre depende pa rin yan sa sitwasyon. Halimbawa, pagdating sa pag-DIY ng aircon maintenance, dapat tanungin muna ang sarili kung kaya bang i-DIY o kailangan mo na ng tulong ng isang expert?  

Para tulungan kang magdecide, ikumpara natin ang pinagkaiba ng DIY vs. Professional AC services para ma-assess mo mabuti kung anong klaseng serbisyo ang kailangan ng unit mo.

 

Mga Pwede Mong Gawin a.k.a i-DIY

 

aircon-split-type-filter-cleaning-mang-kosme

Linisin ang Aircon Filter. Kapag nararamdaman mong humihina ang lamig ng aircon mo, tignan mo agad ang filter dahi maaaring naipon na ang dust at particles dito. Maaari mong i-detach ang filter, hugasan gamit ang garden hose para matanggal ang alikabok o pwede mo ring ibabad sa palanggana na may maligamgam na tubig sa loob ng lima haggang sampung minuto.

Palitan ang Aircon Filter Kada Tatlong Buwan. Isa sa pinakamadalas malimutan pero importanteng task ng isang aircon owner ay ang pagpapalit ng filter. Para siguradong safe at fresh ang hangin mula sa unit mo, ugaliin ang pagpapalit ng filter kada tatlong buwan. Kung kailangan mo mag-set ng reminder sa phone, push mo na para siguradong ‘di ka makakalimot!  

Tanggalin ang dumi at debris sa labas ng aircon unit. Split-type or window aircon man ang gamit mo, maaaring may maipon pa rin na dumi sa labas ng unit mo. Lalo na ngayong tag-ulan, pwedeng maipon ang dahon o overgrown shrubs sa paligid ng condenser unit mo. Para maiwasan ang pagbara nito sa fan blade ng aircon, linisin agad para iwas ka rin sa malaking repair costs.

Heto ang mga bagay na kayang-kaya mo gawin all by yourself. Madali lang, ‘di ba? Kabilang ang mga bagay na ito na pwede mong i-research sa Youtube!

 

Ngayon, ano naman ang pinagkaiba ng Professional Service? 

 

Mga Aircon Tasks na Pang-Pro

 

aircon-maintenance-service-doing-check-up-on-split-type-aircon-unit-mang-kosme

Kailan nga ba dapat tumawag ng expert help? Narito ang listahan para sa’yo, Kosmenatic!

Malinis na fiter pero ‘di pa rin lumalamig. Nakakainis ‘di ba? Yung feeling na todo linis ka ng air filter pero hindi pa rin effective. Ibig sabihin lang nito, may underlying cause ang hindi paglamig ng aircon mo. Syempre, isang AC expert lang ang makaka-diagnose at makakagawa n’yan.

May unsual na ingay mula sa aircon. May naririnig na weird noises mula sa aircon? ‘Wag ng mag-attempt na maging handyman, tawag agad ng aircon technician! Ito ay para maiwasan ang further damage sa unit mo. Ang mga ganitong bagay kasi ay mechanical issues na tanging isang Pro lang ang makakaayos.  

May water leaks. Madalas mangyari ang water leaks sa aircon at marami ding dahilan kung bakit ito nangyayari gaya ng clogged drain line, frozen evaporator coil, low refrigerant level at iba pa. Kaya naman ‘pag may water leak ang aircon, tawagan mo lang ang trusted technician mo para kampante kang maaayos ang unit mo. 

 

Naging klaro ba kung ano ang pang-DIY at pang-Professional aircon maintenance service? Importanteng malaman mo ang mga ito para maiwasan ang unnecessary expenses. Minsan kasi, kaka-DIY natin, baka lalo pa tayong nakasira (wag naman!).

Basta tandaan, when in doubt, call your trusted aircon technician! For more blogs like this, tune in to our Facebook page and subscribe to Mang Kosme website.