
Pre-Summer Tips: Bakit Dapat Bumili ng Aircon Bago Ang Tag-init
Mang Kosme Editorial Team
Dito satin sa Pinas, alam natin kung gaano katindi ang init na mararanasan kapag tag-init o summer season, lalo na ngayon na mas lalong tumitindi ang global warming. Kung wala ka pang aircon sa bahay o kwarto at nagbabalak bumili, huwag mo nang patagalin pa, dahil ang pinaka mainam na panahon para bumili ay ngayon.
Bakit ngayon? Narito ang ilan sa mga rason kung bakit importanteng makabili na ng aircon unit bago pa magsimula ang summer season or panahon ng tag-init.
Makatipid sa Presyo
Kapag malapit na ang tag-init, dumadami ang mga mamimili ng aircon. Dahil sa mataas na demand, madalas tumaas din ang presyo ng mga ito. Sa kabilang banda, kapag hindi pa tag-init, mas maraming nagbebenta ng mga aircon sa mas mababang presyo. Bukod dito, madaming sale at promo ang available dahil gusto ng mga tindahan na maibenta ang kanilang inventory bago dumating ang peak season.
Mas Marami Ang Pagpipilian
Kapag summer na, mabilis maubos ang mga aircon sa mga tindahan. Kung bibili ka nang mas maaga, mas marami kang pagpipiliang modelo, brand, at features na pasok sa pangangailangan mo at nang iyong budget.
Mas Madaling Magpa-install
Kapag bumili ka ng aircon, kailangan mo ng propesyonal na may alam kung paano ikabit ito. Sa panahon ng tag-init, punuan ang schedule ng mga technician at maaaring maghintay ka ng ilang araw o linggo bago makahanap ng available na installer. Kapag off or lean season, mas madaling makakuha ng appointment at madalas mas mababa pa ang singil sa installation.
Maiiwasan ang Emergency Purchase
Kapag tumama ang matinding init at wala kang aircon, mapipilitan kang bumili kahit hindi pa sapat ang iyong research o hindi naka-budget ang pagbili. Sa ganitong sitwasyon, mas malaki ang posibilidad na makabili ng hindi swak na unit o makabili ng lampas sa budget na meron ka.
Summer-Ready
Magbibigay ng sapat ng panahon ang pagkakaroon ng aircon bago mag-tag-init para:
- Maayos na mai-install ang aircon unit
- Ma-check ang insulation ng pagkakabitan ng aircon
- Mapag-aralan ang tamang paggamit at maintenance
- Masanay sa pagkontrol ng thermostat para sa tamang energy consumption
Peace of Mind
Dahil nakabili o bibili ka na ng aircon unit bago pa mag summer season, magbibigay ito ng peace of mind dahil alam mong handa ka na at ang iyong pamilya sa init ng panahon, at maiiwasan ang mga posibleng maging problema sa kalusugan at iba pang aspeto ng buhay kung hindi ka naghanda agad.
Hindi lang tungkol sa pag-iwas sa init ang pagbili ng aircon bago pumasok ang summer season, ito din ang isang paraan nang maayos na pagpaplano para hindi malagay sa alanganin ang comfort mo, ng mahal mo sa buhay, at ang iyong budget.
Kaya naman, bago pumasok ang tag-init, handog namin sainyo dito sa Mang Kosme ang Masarap Kasama Promo kung saan tampok ang aming mga split-type air conditioner unit na pwede niyong pagpilian, sa presyong hindi nakakainit ng ulo.

Huwag palampasin at maging ready sa nalalapit na tag-init, para mas sumarap ang bonding sa loob ng bahay or kwarto kasama ang mahal sa buhay.